Story cover for Isang Libo Siyam na Raan, Mahal Kita Magpakailanman ( ON GOING ) by aboyishemo
Isang Libo Siyam na Raan, Mahal Kita Magpakailanman ( ON GOING )
  • WpView
    Reads 462
  • WpVote
    Votes 22
  • WpPart
    Parts 4
  • WpView
    Reads 462
  • WpVote
    Votes 22
  • WpPart
    Parts 4
Ongoing, First published Oct 25, 2018
Sa kanyang mga makaguluhang panaginip, Hindi maiwasang isipin ni Tina Castro na baka may malaking ugnayan sa kanyang pagkatao ang mga panaginip niya na may kinalaman sa sinaunang panahon. Ang panahon ng Rebolusyon ng Pilipinas. 

Mga tanong sa kanyang isipan ay maguudyok sa kanya para hanapin ang mga matinding kasagutan. Ngunit sa hindi inaasahan,  ang pagbalik sa nakaraan ang magiging simula upang mahanap niya ang mga kasagutan na matagal na niyang inaasam. 

Sa pagbalik niya sa nakaraan,  maliliwanagan si Tina Castro kung ano ang kinalaman ng kapanahunang Rebolusyon sa kanyang mga panaginip. Kung ano ang antas niya ng mga panahong iyon. Kung sino ang kanyang  makakasalamuha at higit sa lahat, ang misteryong balat sa kanyang kaliwa na dibdib at likod na laging kumikirot sa hindi malamang dahilan tuwing lumalabas sa kanyang panaginip ang misteryosong lalaki na iniiyakan siya ng lubusan.

Subaybayan ang storya ni Tina Castro sa pagbalik niya sa nakaraan upang makamit ang kanyang mga kasagutan. Pagsubaybay kung saan ayaw niyo ng bumalik sa kasalukuyan.
All Rights Reserved
Sign up to add Isang Libo Siyam na Raan, Mahal Kita Magpakailanman ( ON GOING ) to your library and receive updates
or
#248timetravel
Content Guidelines
You may also like
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
60 parts Complete
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
You may also like
Slide 1 of 10
My Handsome Katipunero cover
Dear Binibini cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
Back To Life Again  cover
Una't Huling Pagibig cover
Tempting the Truth (COMPLETED) cover
A Chance To Love Again     cover
Lunar Blue  cover
Sekreto mula sa Nakaraan cover
El Gobernador General De Mi Corazón cover

My Handsome Katipunero

54 parts Complete

[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak. Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata. "Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog. Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida? Date Published: June 12, 2016 Dated Finished: April 18, 2018