Sabi nila iba daw pag may guy best friend ka. May nag pro-protekta sayo na parang kapatid, may makakakulitan kang kaibigan at may mang lalambing sayo na parang boyfriend. Ganyan daw sila. Iba daw sila sa mga "guy friend". Sila daw kasi yung tipo na kahit gaano ka pa nila inisin eh malakas parin ang respeto sayo. Swerte daw talaga pag meron kang guy best friend. Yun nga lang hindi sa lahat ng panahon eh cool magkaroon ng best friend na lalaki, nandyan yung pagseselosan ka ng mga may crush sa kanila or girlfriends nila pero mas hindi cool kapag ikaw na mismo ang ma-inlove sa kanila. Mahirap mag tapat kasi sayang friendship at takot ma friendzone, ang clichè diba? Maraming nakaka relate? Well isa na dyan si Madge Alcaraz. Tulad ng marami mas gustong pahalagahan ni Madge ang friendship nya sa best friend nya kesa ipag patuloy yung feelings nya kaya mas pinili nalang nyang baliwalain ang nararamdaman nya. Pero gaano nga ba kadali o kahirap yun kung araw araw silang mag kasama at nagkukulitan. Kung inlove ka din o na-inlove sa bestfriend mo at tulad ka ni Madge subukan mong basahin ang story nya malay mo magustuhan mo at maka relate ka? haha malay lang naman eh :)