Isang storyang nagsimula sa lalawigan ng Villa Amore at ang pag-aaway sa pagitan ng makapagyarihan na Mayor at malalakas na pwersa ng mga taga bundok. Pagdami ng mga kaaway, ang isang bagay sa mundo na hindi natin maiiwasan. Hindi maiiwasan, ngunit maaring mapigilan ng diwa ng tunay na pagmamahalan. Pagmamahalan na maaring magtayo ng malalaking pader kung saan ito at hindi matitinag ng anumang pwersa ng kasamaan, bala, patalim at batas na magsisilbing hadlang na susubok na pigilan ito. Ang pag-ibig na nabuo sa kasagsagan ng kapahamakan, hamon, kasamaan, at pag-aaway ng magkalaban. Kagaya nga ng sabi nila, na ang pag-ibig, ay isang laban. Isang bakbakan na dapat ipaglaban.