Kasing haba ng pangalan ni Ma. Anna Krishell Antoinette "Shell" Esguerra ang mga problema niya ; pantubos sa renta ng bahay nila, gamot ng kanyang kapatid na may sakit, pagpapa-aral sa iba pa niyang mga kapatid, pambayad sa kuryente, at marami pang iba! Halos hindi na ito magka-ugaga sa pag iisip ng solusyon. Bukod pa rito ay nakatali siya sa isang kakaibang kasunduan kay Evander Monteverde, ang isa sa mga pinaka-mayaman at pinaka sikat na basketball player sa unibersidad na pinapasukan niya. Magawa pa kayang mapagsabay ni Shell ang lahat? Makakadagdag lang ba si Evander sa sandamakmak niyang problema? O siya ba mismo ang solusyon?