"Ang saya sana kung tayo ang nagkatuluyan." Napasinghap ako. Pilit kong tumingin sa langit para hindi siya tuluyang bumagsak. "Hanggang ngayon ikaw pa rin naman eh!" Sabi sa isip ko. "Handa na akong sumugal. Kaso wala na pala akong susugalan. Hindi na tayo pwede. Hindi mo ako nahintay." Wala eh! Nasa huli talaga ang pagsisisi! "Naghintay ako." Kalma niyang sabi habang nakapamulsa. "Siguro dumating ako sa point napagod at nakilala ko siya. Hindi ko intensyon na mahulog sa kanya. Alam mo yung akala mo'ng hindi kana makakabangon. Noong dumating siya sa buhay ko, binuo niya ulit ako. Tinanggap ng walang alinlangan. Pinaramdam niya sa akin ang halaga ko na minsan hindi ko naramdaman sa iyo. Tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Marami po itong grammatical error! Read at your own risk! Salamat!