HINDI ako makatulog. Mag-iisang linggo na. Sana naman... Nagre-research ako ng mga gagawin para makatulog. Mag-meditate, makinig sa binaural waves at umisip ng magagandang scenery. Paulit-ulit ko gustong gawin ang mga pekeng scenery para makatulog, at ang labas... wala pa ring epekto. Ano ba, may sakit na ba ako? Isang beses, nagresearch ako ulit, magagandang scenery ulit daw ang isipin, yung masaya ka, yung mga samyo ng ilog, mga ibong lumilipad-lipad at luntiang mga halaman. Isipin ko raw yung mga magagandang napuntahan ko dati. Para hindi fake... OKAY. NAG-replay sa utak ko yung pinuntahan ko dati, yung park. Yung park...yung park na iyon.. NINOY AQUINO PARK and WILDLIFE. Sa Quezon City. Una at huling punta namin, ng tao na sobra kong minahal. Sinala ng utak ko yung mga lugar na napuntahan ko dati na masaya. Tinitignan ko yung mga pictures ng wildlife park na yon, habang nagba-browse ako, pinapaalala ng utak ko na DITO ako, kasama ka, masaya... hindi pa tayo noon... ONE of my best places pala, kasama kita. Isipin mo after 5 years, yung senaryo na yon ang bumalik sa akin. Hindi ko na namalayan, tulo na pala ng tulo yung luha ko.