"Tama ka. Isa akong kampon ng demonyo. Isa akong halimaw na kinakakatakutan ninyong mga tao. Magkaiba ang landas na ating tinatahak. Magkaiba ang ating pinagmulan. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba nating dalawa, minahal kita. Tinanggap kita kahit alam kong hindi tayo para sa isat-isa. Abot langit ang pag-ibig ko sa iyo. Hindi pa ba sapat na rason na wagas ang pag-ibig ko, para ipaglaban mo rin ako? Pakiusap.. kung may nararamdaman ka pang pag-ibig para sa akin kahit kunti lang, sabihin mo sa akin. Handa kong hamakin ang lahat, hanggang sa wala ka ng ibang mauuwian kundi, tanging sa mga bisig ko lang. Walang hangganan ang pag-ibig ng isang aswang na kagaya ko, para sa iyo! Mahal na mahal kita!"