The Missing Piece
Sa bawat litrato, may istoryang pilit itinatago.
Sa bawat kuha, may aninong naghihintay sa dilim.
May isang matandang pamahiin sa Pilipinas na madalas nating marinig mula sa mga matatanda: "Kapag kumuha ka ng larawan at may nawawalang bahagi sa katawan ng kinalabasan nito, malapit na siyang mamatay." Para sa karamihan, isa lamang itong lumang kasabihan na ginagamit upang manakot. Ngunit paano kung ang bawat "bura" o "blankong bahagi" sa papel ay hindi depekto ng kamera-kundi isang listahan? Isang marahas na babala na ang bahaging kulang sa litrato ay ang susunod na puwersahang kukunin sa iyo sa totoong buhay?
Kapag ang mga mata mo ang sunod na nabura sa portrait, wala kang magagawa kundi panoorin ang sarili mong katapusan.
Ihanda ang sarili sa isang madilim na paglalakbay kung saan ang bawat kuha ng lens ay may katumbas na dugo. Dahil sa oras na mapindot ang shutter, maaaring ang hawak mong litrato... ang maging huling alaala mo. Pagkat sa larong ito, walang sinuman ang makatatakas hangga't hindi nakukumpleto ang bawat nawawalang piraso.
THE MISSING PIECE | JustCoast
ORIGINAL DATE : Nov 2016 - May 2018
Abgeschlossene Geschichte