Status: Completed Shaina Fabia, a 17-year-old girl, came from a family of achievers so having low grades is not acceptable. Nag-aaral naman siya nang mabuti. Sa katunayan nga, may tutor pa siya para mas mag-improve pero kahit anong gawin, hindi umuusad ang grades niya. Kaya gayon na lamang ang insecurities niya kay Sean Renzi Sato, a 14-year-old accelerated student and top 1 of their class, na nagconfess sa kaniya ng feelings a year ago. He's not her type dahil bukod sa nakakairita ang kakulitan nito, ayaw niya rin sa mga lalaking mas bata at mas maliit sa kaniya. Shaina also doesn't believe in teenage love kaya naman lagi niyang nire-reject si Renzi. Lumipas ang mga araw, dumaan ang mga buwan. Sa hindi inaasahang pangyayari, nag-iba ang ihip ng hangin. Nabunyag ang feelings na matagal na niyang tinatago. Kaya nga bang buwagin ng pag-ibig ang mga prinsipyong pinanghahawakan ni Shaina? Date started: February 7, 2021 Date finished: September 8, 2021