Paano kung ipilit ipakasal sayo ang lalaking iyong pinakakinamumuhian? Ang lalaking ginawang miserable ang iyong buhay nang walang dahilan? Makakaya mo bang tumira sa iisang bahay na kasama sya?
Tatlong araw nalang kasal na ni Andrew Perez at Kylie de Guzman, tatlong araw nalang bago ang pinakahihintay na araw ng lahat pero biglang nag-bago ang isip ni Kylie, naisip niya na hindi pa sya handang ikasal at pumasok sa buhay na may asawa. Para hindi mapahiya, nag-isip ng paraan ang magulang ni Andrew na matuloy ang kasal ng anak, pero hindi na kay Kylie, kundi sa anak ng best friend nila... ang nag-iisang Lauren Santiago.
JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR)
23 Kapitel Abgeschlossene Geschichte Erwachseneninhalt
23 Kapitel
Abgeschlossene Geschichte
Erwachseneninhalt
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya.
Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama?
Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.