SANGKALIBUTAN
  • Reads 165
  • Votes 4
  • Parts 2
  • Reads 165
  • Votes 4
  • Parts 2
Ongoing, First published Nov 01, 2018
Mature
Naglakbay ang magkapatid na Lualhati at Mag-ayon sa kagubatan ng Hud-Hud upang mahanap ang Ibong Adarna na siyang magiging lunas sa sakit na natamo ng nakababata nilang kapatid na si Bulan. Mahigit anim na buwan na nilang nilakbay ang malawak na kagubatan ngunit hindi pa rin nila ito mahanap. Nahanap nga nila sa tulong ng isang matanda ngunit sa kasamaang palad, naagaw ang ibon mula sa kanilang mga kamay ng mga mandarambong na nag-aasam sa mahiwagang ibon. Sa galit ni Lulahati sa nangyari ay ibinuntong niya ito sa isang malaking tangkay ng punong kawayan. Pinaghahampas niya ito ng itak na dala ng kanyang kapatid, ngunit biglang nagalit ang langit ang kumulog ng napakalakas. Ang tangkay ng kawayan ay nagsimulang mabiak ng kalahati dulot ng kanyang paghampas hanggang sa tamaan ito ng kidlat. Bago paman tumama ang kidlat ay nakita ni Lualhati na may kung anong nilalalang sa loob ng tangkay ng kawayan ang siyang nangangahas na biakin at hatiin ang kawayan. Nakita niyang isa itong tao ngunit hindi na niya maaninag ang mukha at bago pa niya masilayan iyon ay sumabog na ang paligid at silang dalawa ni Mag-ayon ay tumilapon at nawalan ng malay. Pagkagising nila ay naramdaman na niyang mainit ang paligid, yun pala ay nasususnog na ang gubaat dulot ng kidlat. Nang papaalis na sana sila sa nasusunog na gubat ay may nakita siyang binatang lalaki na nakahandusay sa kinaroroonan ng kawayang kanyang pinaghahampas kanina. Tinulungan nila ito at sabay na silang umalis sa nasusunog na gubat habang akay-akay nila ang binata ngunit napagtamo ni Lualhati na baka ito yung nilalang sa luob ng kawayan kanina. Agad niya itong binitawan at kumuha ng lubid para igapos ito. Natakot si Lualhati na baka isa itong halimaw o mga anitong itim na kaya silang patayin lalo na galing siya sa loob ng biak na kawayan at nahihiwagaan siya roon. Sino ang binatang iyon?
All Rights Reserved
Sign up to add SANGKALIBUTAN to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
The Devil's Stolen Heritage cover

The Devil's Stolen Heritage

44 parts Complete Mature

Hannah has always had unconditional feelings for Drico Antonio Divanne. But with the ancient goblet stolen and a prophecy in place, is Hannah willing to accept her and Drico's fate? Or will they have to sacrifice their love to change their destiny? ******* Hannah Victoria is many things-smart, beautiful, and strong. All her life she was trained by her family in different kinds of martial arts, kaya hindi naman nakapagtatakang nagtatrabaho siya ngayon bilang isang bouncer sa club. Hindi niya rin alam kung bakit ganito siya pinalaki, basta't sabi ng lolo niya, kailangan niya ang skills na ito sa hinaharap. Out of the blue, tumawag ang ate niyang si Rebecca para balaan siya, na kailangan niyang magtago dahil sa banta sa kanilang buhay. Ngunit huli na ang lahat nang isang grupo ng mga armadong lalaki ang dumakip kay Hannah upang gawin siyang pain. Si Rebecca ang puno't dulo ng lahat. Siya ang pinaghihinalaang nagnakaw ng isang ancient goblet napinagkakaguluhan ng buong mundo dahil sa mitong nakapalibot dito-na nakapagbibigay ito ng buhay na walang hanggan. Ngunit nagkamali siya ng kinalaban dahil ang may-ari ng sinasabing stolen heritage ay ang boss niya mismo-walang iba kungi ang obsession ni Hannah, ang taong walang humpay niyang sinasamba-si Drico Anotonio Divanne, and Prince of Hell #2.