Ito ay mga tulang, nagmula pa sa mga tala
Sinasaad, sinasabi sa mga taong takot sa luha
Natatakot, na di mahalin at iwanan lang sa wala
Kaya kumakapit, nagdadasal kay Bathala.
Mga salita'y mayroong kapangyarihan,
Isang salita'y maaaring magkaroon ng milyon- milyong kahulugan
Sa mga tula at mga kanta'y sinasaad ang ating nararamdaman
Salita'y maaaring magpatahan sa mga taong nasasaktan.
Mga Salitang Mula sa Tala ni Suji Monterona Cantery
All Rights Reserved