Ako si Hereisme Quinn Garcia Yoon, 16 years old. Half Filipino, half Korean. Ang daming nagsasabi na masyado akong biniyayaan ng itsura. I have this fair skin, an ideal height and a beauty that can stun anyone daw.
Kung itsura lang sana ang pagbabasehan, aakalain mong almost perfect na ako. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, masyadong madrama at magulo ang buhay ko. Maraming bakit ang gusto kung masagot. Pero paano at sa anong paraan? Saan ako kukuha ng lakas ng loob kung andami ko namang kinakakatakutan?
Sa isang tao lang ata ako nagiging matapang dahil bukod sa masyado syang feeling, pinagmumukha nya pa akong tanga lagi. Sya ay walang iba kundi ang transferee student na galing daw sa isa sa pinakasikat at pinakamahal na eskwelahan. Eh, ano naman kayang ginagawa nya dito? Para mangtrip at ipagyabang yung kagwapuhan nya kuno?
At least man lang sa isang ito ay kaya kung lumaban at maging matapang. Kung sya ang training ground ko, why not?! Nakakasawa na din ang maging mahina.
Kung ang kamuhian ka ang umpisa ng paglakas ng loob ko ng paunti-unti para harapin lahat ng bagay, ay buong puso kung tatanggapin lahat ng stress sa tuwing PINAGTATAGPO tayo.
At dito na magsisimula ang aking kwento.