"Uyy pare! Tingnan mo yun oh! Nandiyan na naman si Ms. Cutie" sabi ng isang tambay. Napatingin sila sa direksyon na yun at nagsisipulan, kasama na ang binatilyong si Andrei.
"Mga pare, wag niyo naman ganyanin si INENG! Ang bata-bata pa niyan" napangiwi ang babae nang marinig niyang sinabi iyon nung Andrei. Ang bata-bata pa daw, eh magkasing-edad lang naman sila.
".... humanap na lang kayo ng mas matanda sa kanya" dugtong pa ng pinakagwapong tambay sa skwater area nila. Nagsitanguan na lamang ang mga uto-utong tambay doon. Nginisian lang ni Andrei yung Ineng. At dahil naiinis na siya, umalis na siya doon. Ngunit napaharap siya nang sumigaw ang pinakagwapong lalaki, atleast may nagsabi, at siya lang.
"Ineng! Ang cute mo!" sigaw niya sabay kindat.
At naloka na si Ineng. Bakit nga ba kasi Ineng ang tawag sa kanya ni Andrei?
A one-shot story Written By ADRIECHEAZILE
Language:Tagalog/English
Date Started: March 10, 2018 (11:23 p.m.)
Date Finished: March 11, 2018 (6:54 a.m.)