Kasiyahan, yan ang meron si Chloe na halos araw-araw ay walang ibang emosyon na alam kung hindi ang maging masaya.
Kahit mayaman siya, kung nasan ang kaibigan niya ay dun din siya.
At halos araw-araw ay puro magagandang bagay ang nangyayari sa kanya sa loob man ng skwelahan hanggang sa mapalabas o loob ng bahay.
Pero paano nga ba kung magbago ang lahat ng yon?
Paano kung ang dating masayang Chloe ay napalitan ng lungkot?
Paano kung ang dating masiglang Chloe ay naging mahina?
Paano kung ang dating matalinong Chloe ay naging tanga?
Paano kung ang dating Chloe ay nagbago lahat?
Nagbago ng simula siyang pumasok sa skwelahang puno ng inggetera, chismosa't chismoso, mga mapanukso, at higit sa lahat ang mga BULLIES!
Hanggang sa maraming problema na nga ang dumating kay Chloe, maraming mga bagay ang nagbago at nalaman niya sa pagkatao niya pati na din sa buong pamilya niya.
Paano nga ba masosolusyunan ang mga problemang pinasok ni Chloe?
Paano niya nga ba matatanggap ang mga problemang di niya inakala?
Maaayos pa ba niya ito?
May tutulong kaya sa kanyang makalusot dito?
May mga pag-asa pa bang maayos ang lahat?
SISTERS IN BLOOD...