Story cover for 9 Mornings Book2: Brian Ramirez by Zildjian11
9 Mornings Book2: Brian Ramirez
  • WpView
    Reads 47,619
  • WpVote
    Votes 1,250
  • WpPart
    Parts 30
  • WpView
    Reads 47,619
  • WpVote
    Votes 1,250
  • WpPart
    Parts 30
Ongoing, First published May 21, 2014
Isang masayahin at mabait na kaibigan. Iyan si Boromeo Ramirez o mas kilala bilang Brian. Dahil nangibang bansa ang mga magulang ay ang mga kaibigan mula pa noong koleheyo ang itinuring niyang pamilya. Sa mga ito lamang niya naramdaman na hindi siya nag-iisa –na may karamay siya sa buhay.


Akala niya ay wala na siyang hahanapin pa, subalit hindi pala permanente ang lahat. Nang magkapamilya ang ilan sa mga kaibigan niya at magkaroon ng mga sariling buhay ang mga ito ay nakaramdam siya ng matinding pag-iisa. He felt that he’s left alone once more. Kaya naman napagdesisyunan niyang humanap ng kaagapay sa buhay at bumuo ng isang pamilya para hindi na siya mag-isa.


 Ngunit hindi sang-ayon ang mga kaibigan at magulang niya sa kanyang padalos-dalos na desisyon. Para sa mga ito, ay kahibangan ang kanyang binabalak. Pero dahil desidido na siyang hindi mapag-iwanan ay hindi niya pinakinggan ang mga ito.


Subalit, kung kailan malapit na ang kanyang kasal, ay saka naman sa kanya isasampal ang katotohanan na mali ang pinili niyang tao. Na tama ang kanyang mga kaibigan at magulang. Kinaliwa siya ng babaeng pakakasalan niya at ang malala pa roon ay ang kinasusuklaman pa niyang pinsan ang kalaguyo nito.



Paano ba magalit ang isang Brian Ramirez? At papaano niya mabibigyan ng katuparan ang paghihiganti niya kung ang taong kanyang paghihigantihan, ay kayang patibukin ang kanyang puso sa isang ritmo na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman.
All Rights Reserved
Sign up to add 9 Mornings Book2: Brian Ramirez to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
If It's All I Ever Do by joemarancheta123
5 parts Complete
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin! -Romel Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo... Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo... MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
LOVE STORY ( boyxboy ) Completed by NakuMaliIto
9 parts Complete
"Minsan mapapa-isip ka nalang na sobrang hirap pala magmahal. Yung feeling na andyan na nga siya sa tabi mo pero sa iba naman pala siya nakatingin. Langya noh, bakit kasi siya pa ang minahal ko, ang mahal ko hanggang ngayon. " - Adrian Santevero of Love Story Wala nga naman talagang "FOREVER" sa mundo, lahat nga nag-eexpire, parang unlimited call and text lang yan, unli ka nga pero bukas wala naman nah. Pero natanong mo na ba ang sarili mo, kung bakit kahit paulit-ulit kang nasasaktan, eh, paulit-ulit ka paring bumabalik sa pag-panata sa "FOREVER" na yan. Paano naman kung nasaktan ka na minsan, at hanggang ngayon mahal-na-mahal mo parin siya, na kahit anung pag-move on ang gawin mo , siya at siya parin ang sinisigaw ng puso mong tanga. Oo, napaka-laki nating "TANGA" sa larangan ng pag-ibig, pero minsan kasi pag ginamit natin ang utak, magiging hindi na masaya magmahal, ,na para bang walang kulay, o parang kumain ka ng matabang na pagkain sa karinderya. Lahat nga ba ng kwento my happy-ending, diba mas masaya pag walang ending? Pero nasa sa ating mga sariling desisyon kung anu mang ending ng kwento natin, or pwede din naman nating hindi wakasan, tulad ng mga kwento ng mga tunay na nagmamahalan. Author's Note: Ako nga po pala si Romeo Maliito, ito po ay isang kwentong umiikot sa temang gay,boyxboy, bisexual etc... Sa bawat kwentong isusulat ko, iba't ibang uri ng pagmamahalan, iba't ibang uri ng karakter, at iba'tibang uri ng pagsubok. Nais kong malaman niyo na bawat maikling kwento ay hango sa tunay na buhay , tunay na nangyari, at tunay na umibig at nasaktan. Ninanais ng mga kwentong ito ay maipahayag ang tunay na kahuluhagan ng pag-ibig sa mata ng iba't ibang karakter.
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed by IamyourDestiny13
48 parts Complete
Sabi nila ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Lahat daw ay naaayon sa gusto ng puong may kapal. Pero papaano kung ang inakala mong taong nakatadhana sayo ay isa lamang pagsubok? Isang pagsubok kung saan magbabago ang pananaw mo pagdating sa larangan ng pag-ibig? Ang dating tuwid na paniniwala mo ay naging baluktok. Ang dating nagmamahal ng babae ay ngayon ay umiibig at humanga sa kapwa lalaki. Ano ang gagawin mo sa ngalan ng pag-ibig? Handa kabang ipaglaban ito o hahayaan nalang ang tadhanang maglapit sa inyo? Si Paul, labing pitong taong gulang at nangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng maayos na trabaho. Ngunit papaano kung ang kursong gusto niya ay hindi niya nakuha? Ano ang mangyayari sa pangarap niya? Papaano kung ang kursong ibinigay sa kanya ay ang kursong magbabago ng kanyang pagkatao? Ano ang gagawin niya? Susubukan niya ba ito o uurungan ang pagkakataon? Ito na kaya ang tadhanang sinasabi sa kanyang kapalaran? Ito na kaya ang umpisa ng kanyang pagbabago o ito na ang katapusan ng kanyang pangarap? Si Jasper, isang lalaking nangarap na maging isang mahusay na aktor at modelo pero magtutuloy tuloy pa rin kaya ang kanyang pangarap kapag nakita niya ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Papaano babaguhin ng taong nagpatibok ng kanyang puso ang kanyang kapalaran? May pagasa kaya sila o mananahimik nalang at magpapanggap na walang nararamdaman sa isa't isa? At papaano kung ang taong inakala niyang magmamahal at hindi gagawa ng masama sa kanya ay pagtangkaan siya ng hindi maganda. Masisira kaya ang kanyang tiwala o mas lalo lang mahuhulog? Lalayo kaya siya o babaliwalain niya lang ito? Paano pagtatagpuin ng isang kurso ang dalawang pusong nangangarap ng matayog? Ito kaya ang kursong sisira sa kanila o ito ang tuluyang maglalapit sa kanilang dalawa? -At ito ay dahil sa "Ang Kursong hindi ko Inakala"
You may also like
Slide 1 of 10
The Bully Next Door (Next Door Series #2) cover
If It's All I Ever Do cover
A World Of Our Own (BoyxBoy) cover
DUYAN cover
Bekirella cover
Our Heartbeats In Harmony cover
LOVE STORY ( boyxboy ) Completed cover
The Daddy Next Door (Next Door Series #3) cover
Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) Completed cover
Wish You Were Here  cover

The Bully Next Door (Next Door Series #2)

36 parts Ongoing Mature

Buo ang pagkatao ni Jaxon nang pumasok siya sa military academy. Ngunit nayanig ang paniniwala niyang hindi siya magkakagusto sa kapwa niya lalake nang makilala niya si Duke. Si Duke ang kinatatakutang bully sa campus. Matangkad, guwapo, at matikas. Ngunit nang dumating si Jaxon ay tila nawala ang kaniyang angas. Hanggang sa ang dating alitan ng dalawa ay unti-unting nauwi sa hindi inaasahan. Sa pagitan ng prinsipyo at dangal, may lugar nga ba ang dalawang pusong nagmamahal? At hanggang kailan kaya ito magtatagal?