May nakilala ka na bang kaklase mong buong klase niyo na tinatawag na bobo? Yung tipo ng kaklase na kahit anong turo at pagpapaliwanag sakanya wala parin talaga? Ang natatanging tao sa loob ng classroom niyo na hindi makaintindi kasi hindi tinatanggap ng utak ang inpormasyon na pumapasok sa utak niya? Kung wala, edi wala. Kung meron, edi makaka-relate ka. Normal na, sa isang classroom ang magkaroon ng mga tinatawag na pangalan sa bawat isa. Ang nakakapagtaka lang kasi ay kung bakit sa lahat lahat ng pipiliin mong kaklase na puwede kang mainlove, doon pa sa taong tinatawag na bobo at wala pang pakelam. Siguro, kung desperado [ desperada ] ka talaga sa pag-ibig, kahit na pinaka bobo na sa klase papatulan mo. Ikaw ba naman na katangi-tanging tao sa classroom na walang jowa? Hindi ka ba maiilang? Yung tipong lahat ng kaklase mo pinagyayabang sayo na may jowa na, pero ikaw? Hanggang ngayon wala pa rin. Tapos dadagdag pa yang bobo mong kaklase na iyan sa buhay sa buhay mo, at araw-araw ka ba namang pangitiin.