They've been in a curse since their ancestor make a mistake. Sa kada anak na babae ng kanilang angkan ay ipanganganak sila taglay ang gandang wala ang ibang kababaihan. Ngunit sa pagdating ng kanilang ika-anim na taon ay magbabago ang kanilang anyo, ang kanilang kagandahan ay mapapalitan ng ubod ng pangit na kaanyuan. Sa pagsapit lamang ng kabilugan ng buwan pansamantalang babalik ang tunay na anyo kung saan ang kagandahan nila'y manunumbalik at makikita. Mababali lamang ang sumpang ibinigay kung tunay na pag-ibig ay matatagpuan sa kabila ng mapangit na itsura. Mahahanap pa kaya nila ang lunas sa sumpa o habang-buhay na nilang mararanasan ang sumpa ng paghihiganti? - Mysteariah -All Rights Reserved