Gagawin ang lahat ni Serena Clementine Andrada upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Kaliwa't kanan ang trabaho niya sa bawat araw at kahit pang brusko ay hindi niya inaatrasan. Hanggang sa hindi inaasahang insidente ay nakabangga niya ang isang Hendrix Blair Van Doren, isang bilyonaryo na siyang nag mamay ari ng lahat ng establisyementong abot tanaw ng kaniyang mga mata pati na mismo ang lupang kinatitirikan ng kanilang barong-barong! Kaya niya kaya itong labanan? O sa huli ay isusuko niya ang sarili at tatanggapin ang pagkatalo? Para kay Drix, ang mga mahihirap ay walang karapatang makisalamuha sa kagaya niyang mayaman. May binuo siyang sariling patakaran at walang sino man ang pwedeng lumabag. He built his own walls to separate his self from the poor. But destiny played a game. Nang makaharap niya ang kakaibang babaeng si Clementine, napapadalas ang pakikisalamuha niya sa kagaya niyang mahirap. Pinaglaruan niya ito sa kaniyang mga palad para tuluyan na itong mawala sa kaniyang landas. Nagtagumpay naman siya sa huli. Ngunit babalik si Clem na may panibagong pagkatao. She will not only break his rule. She will also break his heart. ------------------------------------------ BecauseIamAGirL | Wattpad All Rights Reserved © 2019 Started: April 03, 2019 Ended: ------------------------------------------ Story is ON HOLD. The cover photo was digitally drawn by the author herself. You may visit her other artworks on her social media accounts: FB: J.Dee's Art Twitter: J.Dee IG: j.dees_artAll Rights Reserved