2004 nang una silang magpakita sa sangkatauhan. Mabangis na hayop sabi nila, malaki at tunay ngang nakakapangilabot. Dumating sila ng napakabilis, ngunit lumisan din. Bumalik sa dating pamumuhay ang lahat. Masaya at payapa. Ang mga nilalang na ito na hanggang ngayon ay walang pa ring pangalan. Kung saan at kailan hindi lubos na inaasahan ay buong pwersang nagbalik. Walang ng nagawa ang mga tao kundi ang magtago. Ang akala nila lilipas din, kagaya ng dati... Nakakalungkot mang isipin pero hindi ganun ang nangyari. Dahil sa pagkakataong ito, hindi na sila lumisan pa. Hanggang ngayon 173 taon na ang lumipas nandito pa rin sila at naghahari habang ang mga tao ang nagmistulang hayop at ikinulong ang mga sarili sa loob ng matataas na pader. Ligtas sila sa ngayon, pero hanggang kailan?All Rights Reserved
1 part