"Ang 'di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa masahol at malansang isda" - Gat. Jose P. Rizal Pero itong kasalukuyang pamahalaan 2018, ay nagsagawa ng panukalang Pagtanggal ng Filipino Panitikan sa Kolehiyo. Samantalang ang Nihonggo ay isa nang asignatura sa mga kolehiyo at ang Hanggeul ay idaragdag sa asignatura ng sekondarya. Tatalikuran ang sariling wika at s'ya namang yayakapin ang wika ng ibang bansa. Isang malaking kalapastanganan! Nagbuwis buhay si Rizal, Lumaban para sa mga nasasakdal! Pero ang kan'yang ipinaglaban, harap-harapan s'yang sinasaktan! Pluma at papel ang tangi n'yang armas, Kayong mga tatalikod sa'ting wika ay mga ungas! Kayong nagmamahal sa 'ting wika, Kayong mga may pakialam sa kaganapan sa bansa, Tara! Tayo'y lumaban! Makisama, makiisa, lahat magsama-sama! Sagipin wikang Filipino! Sagipin mga Pilipino! Filipino para sa Pilipino! --- Kauna-unahang tula-nobela ni PayatNaManunulat. Nakikiisa sa pagsagip sa wika! Isa na mga manunuligsa sa kamalian ng bansa. Mga Pilipino! Filipino! Anumang uri ng pagkopya sa pamamagitan ng makinarya, teknolohiya, salita o anumang paglalathala ng tula nobelang ito ay mahahatulan ng naaayon sa batas. Kapag walang anumang permiso ng may akda, maliban kung batas ang nagtakda. PINAKAMATAAS NA RANGGONG NATANGGAP: #1 wikangfilipino Enero 7 taong 2020 sa ika-11:13 ng gabi
10 parts