Welcome sa Enigma Academy. Isa itong paaralang may madilim sa sekreto. According sa mga sabi-sabi, may isang lihim na lagusan sa library patungo sa isang misteryosong silid kung saan ang sinuman ay maaring humiling ng kahit na ano at iyon ay matutupad. Ngunit upang magkaroon ng katuparan ang isang kahilingan, dapat munang makipaglaro kay Eponine, ang encantada ng mahiwagang silid. Kung mananalo ang sinumang nangahas na humamon kay Eponine, makakamit nito ang kayang kahilingan. Ngunit kapag ang nanghahamon ay matalo sa laro, ang kaluluwa niya'y mapupunta Kay Eponine. Hanggang ngayon, wala pang nanalo laban kay Eponine, at ang lahat ng pumasok sa silid ay lumabas na malamig na bangkay...