Boyish Girl vs Narcissistic Jerk
  • Reads 1,053
  • Votes 57
  • Parts 9
  • Reads 1,053
  • Votes 57
  • Parts 9
Ongoing, First published May 23, 2014
Madalas mapagkamalan tomboy si Joey dahil sa pananamit nito, kilos, at mga interes. Sino ba naman hindi magmumukhang tibo kung parehong lalake mga nakakatandang kapatid mo at wala kang kinamulatang  female figure sa bahay dahil tatay nalang ang meron ka?!

Isa lang ordinaryong estudyante si Joey. Bahay-paaralan lang siya. Ngunit isang araw, nagbago ang buhay niya dahil sa lalaking sobra niyang kinaiinisan.

"Nakakasira talaga ng araw pag makita mo ang pinakamahangin na lalake sa balat ng lupa," bubulong bulong na sabi ni Joey.

"Narinig ko inis ka raw kay Storm."

"Ayyy anak ng tipaklong! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" Gulat na gulat na sigaw ni Joey at pinapakalma ang sarili.

"Sino ka nga ba ulit? Bakit ka ba biglang sumusulpot? At ano ngayon kung naiinis ako sa impaktong 'yon?" Sunud-sunod niyang tanong.

Napangiti naman ang kaharap niyang babae. Napagkasunduan nilang pipictyuran ni Joey si Storm habang naliligo ito sa C.R sa gym. At ibibigay ito kay Ronald, ang pinakamakamandag na bakla sa school nila na patay na patay kay Storm. Kapalit nito ang laptop na matagal na niyang pinapangarap.

Lihim na sumunod si Joey nang makita niyang pumasok na si Storm sa shower room. Handa na niyang kunan ito ng larawan kaso natigilan siya sa angkin kakisigan ng lalaki. Nakatalikod lang niya ito napicture dahil muntik na siyang matumba nang biglang humarap ito.

oooOOOooo

"What the...? hindi makapaniwalang sambit ni Storm habang titnitingnan ang mga larawang bigay sa kanya ng kanyang barkada. Kuha 'yon sa shower area sa gymnasium nila. His butt was exposed in those pictures.

Napag-alaman niyang isang lesbian ang kumunan ng larawan sa kanya.

"Humanda kang lesbo ka! Hindi maganda ang ang anggulo ng kuha sa mga pictures ko. Parang hindi pantay ang butt ko sa picture na toh. Whoever who you are, who took these pictures must learn how to take photos from a good angle!"
All Rights Reserved
Sign up to add Boyish Girl vs Narcissistic Jerk to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.