Mga salitang hindi maibulalas ng puso Kaya sa tula na lang ipapaabot sa iyo Ang bawat salitang naririto Ang siyang nais na malaman mo. Ang bawat oo ay may katumbas na hindi Ang bawat tama ay may katapat na mali Hindi ko man kailanman masasabi Isusulat ko na lang ang aking pighati. Sa buhay, sa kaibigan at sa pagibig Dito isusulat ang 'di masambit ng bibig Sana kahit paano ay iyong marinig Ang pagmamahal na 'di maisatinigAll Rights Reserved