"She's my girlfriend." . Literal akong napanganga sa sinabi ng lalaking bigla bigla na lang akong hinila. Tapos sinabi pa sa harap ng mga nagkukumpulang mga babae na .. Ano daw? Girlfriend nya ko? Bakit di ako na inform.? . "M-my true girlfriend. So lubayan nyo na ko bitches.. " . "What? Yan? Yan ang ipapalit mo sa akin . She's like trash. My gosh. " . Pigilan nyo ko. Sasapukin kong pagmumukha ng clown na to. . "Are you insane baby Travis? She dont even deserve you. " . "Yeah. Ampangit ng porma nya. So cheap. Sama mo pa mukha.. " . "Mukhang ang baho pa tingnan. Saang basurahan mo nabingwit yan babe Travis? " . "She look's like a pulubi.. " . "Ang panget.. " . "T*ngina nyo! Alam nyo punong puno na ako sa mga panlalait nyo. Kala nyo maganda kayo.? Pakyu! Natingnan nyo ba sarili nyo sa salamin?! Para sabihin ko sa inyo! Mukha kayong clown sa dami ng kolorete sa pagmumukha nyo. Kala nyo kinaganda nyo yun? Mas maganda pa nga ako sa inyo eh! Kasi natural beauty to!Kayo? Fake yan! Fake! " Mahabang litanya ko na parang maputol na ang mga kaugatan sa leeg ko. Mga bisit eh. Inubos pasensya ko! Yan tuloy naligo sila ng laway ko. . "Oh my gosh! Yuck! " . Natarantang sigaw ng isang habang namumunas na ng tissue sa mukha. Bagay a inyo yan. Tangna! . "She's so gross! " . "Eeeewwww.." . "Ano gusto nyo pang maligo?" . Wala pang limang segundo ay nagsitakbuhan na sila. Mga bisit! Sarap kalbuhin. . "Oh. That was cool. " . Dahan dahan ako napalingon sa lalaking nanghila sa akin. Binigyan ko sya ng masamang tingin. Powta. Sya may kasalanan nito. . "Oh. Darling what's with that ---ouch! " . Ayun! Sinapak ko mukha nya. . "Kulang pa yan abno! " . Sigaw ko at sinipa alaga nya. Napasigaw naman sya sa sakit. Tinaas ko ang middle finger ko bago siya iniwan na iniinda ang sakit ng alaga nya. Gwapo sana! Gago naman! Dinamay pa ko sa kalokohan nya.All Rights Reserved