Si Esme, isang simpleng babae na may simpleng layunin sa buhay -- ang maibigay ang lahat ng mga pangangailangan sa mga nakababatang kapatid. Siya na ang tumayong ina at ama kaya naman lahat gagawin para sa kanila. Dahil sa di magandang nangyari sa kanyang pangkabuhayan, pumasok siya bilang personal driver sa mga anak ng isang mayamang byudo. Limang taon nang byudo si Sebastian dela Fuerto, isang CEO sa sarili niyang Industrial Company. Pero, dahil malaking kompanya na kanyang pinapatakbo, nawawalan na siya ng panahon para sa mga bata. Kinailangan niyang kumuha ng personal driver para sa mga anak. Parehong may layunin para sa naiwang pamilya, ngunit malaki ang naman ang pagkakaiba pagdating sa personalidad. Sundan ang mala-aso't pusang bangayan ng dalawang tao, na kahit magkaiba man ng estado magkasundo naman kaya ang kanilang mga puso? (•ө•)♡ *slow pace story **Short chapter