[COMPLETED] Hindi sa lahat ng pagkakataon maswerte ang isang tao. Kadalasan hindi. Sa mundong ito iilan lang ang nagtatagumpay sa buhay. Pili ang bawat pagkakataon. Pili ang lahat ng bagay. Pili lang ng kapalaran kung sino ang mga magwawagi sa buhay. Maswerte ka na sa buhay kung mayroon kang mga magulang na gumagabay sayo, sumusuporta sayo, nag-aalaga't nag-aalala para sayo. Maswerte kana sa buhay kung may taong tapat at totoo sayo. Iyong taong mamahalin ka at irerespito habang buhay. Isa kana sa napakaswerteng tao sa mundo kapag nangyari ito. Ngunit paano kung wala? May pag-asa ka pa ba para mabuhay sa mundo? Lalaban ka pa ba kahit na walang lumalaban para sayo? Mananatili ka pa ba kahit na walang nananatili ni isa sa tabi mo? Magmamahal ka pa ba kahit na tumalikod na sayo ang buong mundo? Ano ang gagawin mo magpapatuloy ka pa ba kahit na hirap ka na sa buhay? Kahit na itinuturing kang unknown ng lahat ng mga taong mahalaga sayo? @Purple_Tips (February 20, 2022)