Isa lamang ako sa mga pangkaraniwang tao dito sa mundo. Hindi mayaman, pero hindi din naman mahirap, sakto lang. Simpleng babae na hindi mahilig sa kung ano-anong luho. Kahit pa sabihin natin na mayaman ang daddy ko. Yes, mayaman ang daddy ko pero hindi ang mama ko. Lumaki akong ksama ang mama ko at ang kuya ko pero nakakasama ko din naman ang daddy ko tuwing weekends. Hiwalay sila, why? kasi ayaw daw ng parents ng daddy ko sa mama ko. Nakakatawa nuh? Katayuan na lang ng isang tao yung basehan nila para magustohan ka. Pero ako? Gusto ko ng taong hindi tumitingin kung mayaman ka man o hindi.. Gusto ko ng taong tatanggapin ako kung sino at ano ako.. Gnun din sa family niya syempre.. Pero possible bang may ganun pa din sa panahon ngayon? Sana meron pa.. I want to meet that person soon.. :>All Rights Reserved