Shee'irosh Val Zhavana. Kulang ang salitang dyosa sa angkin niyang kagandahan. Matangos na ilong, mapupulang labi at matang kaakit akit. Ngunit ang lahat ng ganda nito ay nawawala sa oras na ibuka ang bibig. Mapanglait, Mapangmataas, Matapobre, at gandang ganda sa sarili. Ayan ang totoong katangian ni Shee'irosh Val Zhavana sa kabila ng mala-angel nitong mukha. Sa gaspang ng ugali , halos lahat ng tao sa kaharian ay inaayawan ito. Nang ipatapon ng ama sa lugar na hindi kinagisnan bilang parusa, makayanan niya kaya ang mga pagsubok na darating? ----- DISCLAIMER: Ang akdang ito ay pawang kathang isip lamang, gawa gawa ng malikot kong isipan. Eto rin ang unang akdang isinulat ko, kaya humihingi ako ng kaunting pang unawa sa mga maling grammar at spelling. Salamat sa mga sumusuporta at susuporta sa akin at sa story na ito. Subaybayan ang kwentong puno ng kabaliwan, katatawanan at kakaibang pag-iibigan. Miss_Shida