Hindi siya matalino, masipag lang. Hindi siya genius, nagrereview lang. Hindi siya gifted, nag-eeffort lang. Mataas ang pangarap niya sa buhay at para maabot yun ay kailangan niyang maka-graduate bilang valedictorian ngayong senior high. Alam niya kaseng hindi siya mapapag-aral ng mga magulang ng college kaya kailangan niya ng outstanding grades para makakuha ng scholarship. Perfect na sana siya sa lahat ng subject at siya na sana ang top sa buong klase kung hindi lang palyado at plakda ang grade niya sa math. Hindi lang yun simpleng math...Calculus yun! Ang pinaka-nakakatakot na uri ng math. Eto yata ang leader ng pagpapahirap sa lahat ng brain cells niya. Anong gagawin niya? Magreview? Eh hindi naman nasasaulo ang numbers.
1 part