WATTY AWARDS 2019 WINNER POETRY CATEGORY Ang aklat na ito ay koleksyon ng dalawampu't walong patulang titik ng Kundiman. Ako ay nagkaroon ng inspirasyon na sumulat ng mga liriko ng Kundiman matapos kong mapuntahan ang Simbahan at Museo ng San Agustin sa Intramuros, Maynila, noong ika-19 ng Nobyembre, 2018. Bawat tulang nakapaloob dito ay may tugmaan at binubuo ng labindalawang taludtod na may tig-aanim na pantig. Nilalayon ng aklat na ito ang pagtataguyod ng tradisyunal na panulaang maaring magamit sa pagbuhay ng sinaunang awitin gaya ng Kundiman. Mabuhay ang panitikang Filipino! Purihin si Hesus at si Maria ngayon at magpakailanman! (PAALALA: Ang aklat na ito ay protektado ng copyright registration mula sa National Library of the Philippines. Walang anumang bahagi ng aklat na ito ang dapat kopyahin o ilimbag sa anumang uri nang walang pahintulot ng may-akda, si Lee B. Calaguan, ayon sa nasasaad sa batas. Ito ay reserbado sa lahat ng karapatan.)