Nawala siya sa mismong araw na ikakasal kami. Buong akala ko iniwan niya ako kasi ayaw na niya sakin, na naisip niya na isa lang akong malaking problema sa kanya, at naisip kung kaya niya ginawa yun ay dahil HINDI NA NIYA AKO MAHAL. Pero mali. Mali lahat ng naisip ko. Mali ang lahat ng mga panatang ko sakanya. Kasi ang totoo... Hindi siya umalis. Di niya ako iniwan. Hindi siya sumuko. Mahal niya pa ako. At sa mga araw na dumaan. Nalaman ko din ang pagkawala niya. Ki-nidnap ang taong mahal ko. Ki-nidnap ang taong mapapangasawa ko na sana. Kaya may mission akong kelangan gawin... Ang maibalik siya saakin. Kahit buhay ko man ang kapalit gagawin ko. Kahit saang lupalop man siya tinago, hahanapin ko parin siya. Gusto ko maayos siya. At sisiguraduhin kung babalik kami sa dati. Ang magkaroon ng isang masaya at masaganang pamilya.
3 parts