45 Days of My Life
  • Reads 1,187
  • Votes 56
  • Parts 9
  • Reads 1,187
  • Votes 56
  • Parts 9
Ongoing, First published May 25, 2014
Napakasarap mabuhay, kahit sa kabila ng lahat ng ito ay puro pagsubok, at mga problema. Masarap mabuhay lalo na kung ang mga tao sa paligid mo ay puno ng pagmamahalan. 

Minsan nga naiisip ko, bakit nga ba nabubuhay ang isang tao? Para ba sa mga pagsubok at problema? para ba sa pagmamahalan at kung anu-ano pang mga dahilan. 

Pero para sa akin nabubuhay ang isang tao para lang mamatay. Nakakalungkot isipin kasi na ang tao ay nabubuhay pero bakit kelangan din mamatay? Bakit ba kelangan ng lahat ng bagay humantong sa hangganan?

Di ba pwedeng ang isang tao o lahat ng tao ay mabuhay na lang ng masaya kasama ang mga mahal nila sa buhay? 

Bakit kelangan pa natin humantong sa sitwasyon na kelangan din tayo mag-give up? 

Bakit kelangan natin mamatay? Bakit kelangan itong tapusin.

Di ba pwedeng ang ang mga bagay sa mundo ay maging permanente?

Napakahirap ang dumating sa isang hangganan. Napakahirap din sa isang tao na tanggapin na mawawala na sya sa mundo dahil hanggang dito na lang sya.. Wala tayong laban sa ganoong sitwasyon.

Pag ba sinabihan ka ng doctor na may malubha kang sakit at tinanihan na ang buhay mo. Anong gagawain mo? 

Yung mga bagay na meron ka ngayon, pag nawala ka di mo madadala yan.

Ang mga mahal mo sa buhay, napakahirap nilang iwanan.

Ganito ang kwento ko ngayon, dumating na ako sa hangganan ng buhay ko. Hindi ko na maipagpapatuloy.

Nakakalungkot isipin. Pero ang ibang tao ba, kaya pa nilang magmahal kahit ang natitirang panahon na lang sakanila ay apat na pu't limang araw?

Sabi ng iba, kung sila may nalalabing araw na lang para mabuhay sa mundo, gagawin nila ang lahat ng gusto nila. Yung tipong hindi nila iisipin na mamamatay na sila.

Pero ako, dito susubukin lalo ng tandhana ang buhay ko.

Can i love someone in 45 days? Can i be loved by someone in 45 days? Magpapadala pa din ba ako sa pag-ibig na to, kahit alam kong pareho kaming masasaktan pag nawala na ako?

Hindi ko alam, pero ang alam ko.. this is the 45 days of my life.
All Rights Reserved
Sign up to add 45 Days of My Life to your library and receive updates
or
#6chuck
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.