Si Jamaica Salvador ay asawa ng isa sa pinakasikat na group performer sa kanilang siyudad. Noong una ay hindi pa siya makapaniwala na iyong idol niya ay asawa niya na pala. Fan siya nito dati kaya laking gulat niya na pumirma ito sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Ngayon na magkasama na sila ni Christian Paul Morante sa iisang bahay ay ano kaya ang pakikitungo nito sa kaniya. Ngayong alam niyang galit na galit ito sa kaniya marahil ay siya ang dahilan ng lahat ng kamalasang nararanasan nito. Makakaya niya kayang i-take lahat ng responsibilities ng isang may bahay o magbubulag-bulagan na lang siya sa mga panloloko ni Paul sa kaniya? Abangan ang istoryang magpapakilig at iiyakan mo. Ang istoryang maghahatid sa iyo na minsan ang pagmamahal ay naglalaho rin at hindi pangpermanente sa puso natin.