Minsan talaga sa sobrang takot natin na masaktan tayo ng labis na pagmamahal ay mas pinipili nalang natin na iwasan ito. Sinusubukan natin na makipaglaro sa tadhana sa pag aakalang makakaiwas tayo sa posibleng sakit na maidudulot sa atin ng pag ibig. Ngunit ang isang laro ay hindi palaging pagkapanalo at pagtatagumpay, may posibilidad din ang pagkatalo at kabiguan. Ano nga kaya ang kahihinatnan ng larong di mo inaasahan, ang pinaka nakakatakot at mapanganib na laro - Ang laro ng pag ibig.