DALAWANG ARAW, ISANG GABI
1 part Complete DALAWANG ARAW, ISANG GABI ay isang memoir ng isang masayang alaala.
Actually, napatigil ako ng sabihin nya ang salitang pumukaw sa atensyon ko. Tiningnan ko si Marianne nang sabihin nya ang salitang "solitude". Nakatayo ako pero napaupo nang marinig ko ang salita. Napabulong ako sa sarili ko, "Oo nga..." Ito rin ang naramdaman ko habang nandito din ako sa Nagsasa. Gusto kong maiyak sa sinasabi ni Marianne. Oo, talagang na - enjoy namin ang adventures at misadventures sa Nagsasa. Maaaring may pinagdadaanan na siya sa Maynila pero hindi siya nagpatinag. Solitude... Solitude... Parang flash back ang nakita ko habang napaupo ako at naalala ang discussion ng solitude sa support group. Maaaring may kalungkutan ang bawat tao. Hindi mapaliwanag ang kalungkutan. Katulad ko lalo na pag mag - isa. Hindi ko alam parang gusto ko magpakamatay sa kalungkutan. Kahit na mag - asawa o mag - jowa o pamilya o mag - kaibigan may mga laban sa buhay na kailangan harapin mo mag - isa. Sabi nga nila, "Choose your own battles." Gusto kong umiyak habang pinakikinggan ko ang testimonial ni Marianne. "Loneliness isn't about being alone, it's about not feeling connected," naalala ko ang statement na yan sa support group. "Everyone communicates, few connect", sabi ni John Maxwell at pamagat din ng libro nya. Isa pang statement na naalala ko ay "The difference lies whether we take our aloneness as a wound or gift... God's gift... So that in our aloneness we might discover how deeply we are loved by God." Ang dami pumasok sa isip ko ng sinabi ni Marianne ang solitude.