Sa hindi inaasahang pagkakataon, ngunit inaasahan ni Author, nakulong si Jensen sa kadahilanang muntik na itong makapatay ng tao ng isang araw ay makipag bugbugan ito sa mayabang niyang klasmeyt. at dahil sa pangyayaring iyon, na-triggered ang Ama nitong bigyan siya ng isang matangkad, matcho at gwapong bodyguard na ewan ba kung bakit kailangan laging perpekto ang mga tauhan sa kwento, na inaasahan ni Author na sana may ganitong nilalang ding nag e-exist in real world, the universe rather. Sa halos araw-araw silang magkasama, nag-iba ang pananaw ni Jensen a.k.a "Sen" sa buhay, ang ibig kung sabihin pananaw niya sa kaniyang pagkatao. Nahulog ang loob nito sa bodyguard na si Greg dahil sa sweet at over protective itong tao. Hindi kalauna'y naamin na niya sa sariling isa siyang bakla, ngunit kailan niya kaya maamin sa sarili na isa siyang bottom? Kailan kaya mare-realize ni Jensen na ang role niya sa kwentong ito ay maging bottom ni Greg na may isa palang malaking sikreto. Sino nga ba si Greg? saan nga ba siya nadampot ni Mario? (Ang Ama ni Jensen). Bukod sa pagiging bottom ni Jensen, may iba pa kayang twist ang kwentong ito? Uy! Di ako bottom written by Hurryzone November 29 2018.All Rights Reserved