"Hindi tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip. Dinggin ang hiling ng matang nakapikit" Ito ang palaging sinasabi ni itay sa tuwing nakatanaw kaming dalawa sa malawak na kalangitan. "tumingin ka lang sa langit anak kung gusto mong humiling at sabay mong bigkasin iyon habang nakapikit ang mga mata" Hindi ko alam kung totoo yung sinasabi niya noon. Gusto kong maniwala at hilingin na sana hindi ko pinagdadaanan itong nangyayari ngayon sa akin. Sana buhay pa ang itay, sana ako nalang 'yong nawala. At sana, hindi ko siya nakilala. Mapait ang buhay ko. Kagaya ng pagkaing hinanda ng walang pagmamahal.