Tanging hangarin ni Azheana ang pagkakaroon ng kontrol sa oras. Kapag nasa sitwasyong nahihirapan ay gusto na lamang itigil ang bawat segundo o di kaya'y mapabilis ang oras upang matakasan ang problema. Ngayong nasa harapan ang hinahangad na 'solusyon'. Talaga bang maayos niya ang lahat? O 'di kaya ay may mga kaguluhang naghihintay pa sa kanya.