Halos lahat yata ng produkto ng mga bansa dito sa Earth, simula sa damit, sapatos, bag, pagkain, upuan, lamesa, kurtina, kumot, unan, appliances, gadgets, maging panglinis ng kusina, kubeta, pang-kuko, pang-atutuli, at pati pamatay ng ipis, daga, anay at kung ano-ano pa meron ang Pilipinas.
Pero pano kung pati ang taong makakasama mo imported rin, na parang illegal product na bigla nalang darating sa buhay mo nang walang hinihinging permit mula sayo. Magkasundo kaya kayo sa kabila ng inyong mga pagkakaiba o baka ipa-deport mo nalang siya at tuluyang i-ban sa buhay mo.
May mga bagay na di na pwedeng ipilit, dahil baka hindi ito para sayo. Pero hindi rin mawawala ang “baka” na ito at ang iyong pag-aalinglangan kung ay pagkuha dito'y hindi mo susubukan. Sometimes the chances we take are different or far from the choices we must make. Minsan, kahit gusto mo kalabanin ang tadhana, wala ka na ding magagawa kundi sundin ito. Lahat ng bagay, nangyayari dahil may dahilan. Pero hindi lahat ng dahilan ay dapat paniwalaan. May mga nangyayari rin upang lituhin ka, upang magkamali ka at matutuhan lang ang aral sa huli kung kelan may nawala na sayo..pero, unpredictable ang buhay hindi ba? Para sayo, open-ended ang lahat pero para sa nasa itaas, nakaplano na ito. Dapat ka lang magtiwala na may perfect timing para mangyari ang mga bagay na perfect para sayo..at para makilala mo ang most perfect para sayo. Kaya mo bang suwayin ang tadhana o nanaisin mo na lang sundin ito?
Mapapaisip ka, alin ang ginawa ng tadhana….alin ang kusa nilang ginawa?