Umiinom ba kayo ng Cherifer?Kung ume-epek sa inyo turuan nyo naman ako kung paano 'to umepek sa katulad ko.Kung iniisip nyo na ang height ko ay below 4ft nagkakamali kayo noh! Hindi ibig sabihin na pag umiinom ako ng pangpa-tangkad ay ganon na 'ko ka pandak. Ang pangalan ko ay Allen Grace Cruz.14 ako nang tumigil na tumaas ang height ko, hindi na umaabot ng 3 inches ang tinataas ko every year unlike dati, simula non umiinom na ako ng kung anong-anong gamot yung ininom ko para lang tumaas ako.Napapagod na kasi ako sa pang-aasar at pangungutya ng mga kaklase ko lalo na nung sinabe nila na walang mag-kakagusto sa katulad ko, kaya naman ang resulta ay na Overdose ako. Kaya simula ng lumabas ako ng ospital ay nangako na ako sa sarili ko na hindi ako mag-mamahal hanggang umabot yung height ko ng 5'6 Ang height ko ngayon ay 5'4, 2 inches na lang ay magka-ka lovelife na ko!Pero hindi pa umaabot ng 5'6 ang height ko ay may nakilala akong lalake.Isa syang basketball player sa america ngunit nag-pasyang dito mag-aral.Nadala nya siguro yung Destiny kaya parati kaming nagkikita.