Lahat ng bagay feeling mo hindi naaayon sa mga gusto mo. Naiinis ka dahil napakapakelamero ng iba, idagdag pa ang pagiging tsismosa't tsismoso. At itinuturi mo na 'yung pinaka bad day mo sa sobrang bad trip mo. Mayaman kayo pero hindi ka man lang pinagamit ng sarili mong sasakyan at pinag-commute at pinasakay sa bus na hindi mo pa nai-try kahit 18 years old kana. Ano na lang ang gagawin mo kapag sa bus na 'yun ay may makatabi kang babaeng may saltik sa utak at napagkamalan ka pang ex niya? SInubukan mong umiwas sa kanya pero sadyang pinaglihi lang talaga sa linta ang babaeng 'yun at ng dahil sa kaingayan at pagiging istorbo niya nadamay ka at pinalayas kayo ng kondoktor papalabas ng bus. Edi mas lumala pa ang pag-init ng ulo at bad trip mo idagdag mo pa na tirik na tirik ang araw kaya masakit sa balat, wala kang masisilungan at kailangan mong hintayin ang next bus para sumakay. At heto pa ang malupit, isang araw hindi ka pa nakaka-move sa nangyari sa'yo pero nakita mo 'yung babae sa harap ng unit mo hindi para magsorry sa nangyari kundi para mangutang at makitira. Kapal di ba? O kakayanin ba 'to ng pasensya mo?All Rights Reserved
1 part