Anikka Jade San Miguel. Ang babaeng fan ng Kdrama at baliw na baliw sa isang sikat na Korean Artist sa South Korea. Si Lee Jong Suk. Ang Man of her dreams. Ang lalaking pangarap niyang maging boyfriend. Marami mang nagsasabe sa kanya na isang kahibangan lang ang lalaking pinapangarap niya ngunit para sa kanya, si Lee Jong Suk lang at wala nang iba. Ganun siya kapatay na patay sa lalaking yun. Ngunit pano kaya kung paglaruan siya ng tadhana? Na ang lalaking inaasam asam niya ay makilala niya sa personal? Ngunit hindi bilang isang sikat na artista sa Korea. Kundi isang ordinaryong tao lang na kamukhang kamukha ng lalaking gusto niya? Ngunit ang ugali ng lalaking yun ay taliwas sa lalaking pinapangarap niya. Magiging masaya ba siya dahil kahit papaano ay may isang Lee Jong Suk na nasa katauhan ng isang ordinaryong tao? Gagawin ba niya ang lahat para magustuhan siya nito? Eh paano kung hindi siya mag tagumpay? Paano kung may mga matuklasan siya sa lalaki na masasaktan siya ng sobra? Susuko na lang ba siya ng ganun ganun na lang? At titigil na sa kahibangan at magigising sa katotohanan na hindi lahat ng mga istorya sa kdrama na pinapanood niya ay mang yayare sa reyalidad.