Tatlong buwan na lang, graduation na ng mga estudyante sa University of St. Anthony. Bilang isa sa mga pinakamayayaman at pinakasikat, si Brooke, ang anak ng dalawang Alvarez na major shareholders ng university, ay siya ng halos kumokontrol sa pamamalakad doon. Kasama ang kanyang mga kaibigan, lahat ng mga estudyante sa university ay kanilang binubully. Dito siya nabansagang “Queen B**ch”. Hindi naman iyon tumalab kay Volkner, ang presidente ng student council, na tanging taong may lakas ng loob na humarap sa kanya. Tulad ng karamihan, si Brooke ay nalulungkot sa papalapit na katapusan ng school year. Isa pa, kinakatakutan niya ang kahihinatnan niya sa college. Walang taong nakakaalam nito. Si Volkner naman ay marami ng plano at handa na sa pagpasok ng college. Hindi sila matutuwa pareho kapag nalaman nila na kakailanganin nilang magsama sa huling tatlong buwan ng school year. May mababago ba sa relasyon ng dalawa, lalo na’t hindi nila matantya ang isa’t-isa?