It feels good if you have someone to admire, right? Lalo pa’t alam nya na crush mo sya. Eeeeeh! Paano kung alam nga nya kaso wala naman syang pakialam? Ooooh! That hurts. So embarrassing.
That’s my love life’s story. Nagkaroon ng crush, dinibdib kaya naging pag-ibig. At kahit na saksakan pa ng pagkasuplado ang crush ko, hindi ko rin naman maitatangging ang gwapo-gwapo nya at ang tali-talino pa.
Hanggang saan ko kaya madadala ang love story namin? Hanggang kailan ko kaya makakayanan ang one-sided love na nararamdaman ko kung hindi naman nya naa-appreciate ang mga ginagawa ko?