Ako si Arman. Jose Armando San Jose Mondragon ang buo kong pangalan. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan ng aking kwartong bagong renovate, ipipikit ang mga mata at mumulat, tatayo tapos uupo at hihiga, hihinga ng malalim at iiyak. Hindi ko na malaman ang dapat kong gawin, litong lito na talaga ako sa nangyayari sa aking buhay! Haaaaaaay! Habang ang mga bata'y walang problemang naglalaro sa labas ng aming three storey na bahay na may pet clinic sa 1st floor dahil beterinaro ang tatay ko, dito sa Sta. Cruz, Laguna malapit sa plaza ng bayan, sa kalsada tapos may daraang jeep at tricyle, tatabi at yan, game na naman minsa'y pa ay madadapa, iiyak, hihipan ang sugat ng lola at ayun, maya-maya lamang ay naglalaro na ulit at ang matatanda'y nagbabantay na lamang sa kanila't dasal ng dasal habang naghihintay ng kanilang pagpanaw. Ako, ganito, gulong-gulo sa mga kagapanapan sa buhay ko. Ito ba talaga yung tinatawag na pahirap sa buhay ko?
will you hold on me still? or letting my hand apart from you.
Will you do have the consistency of the thing called love?
How long will it be ?
Will you cheat?
Will you fight for us?
Will you fight for me?
Will your love be my protection?
Or...
Will be my fall down?