Marriage. Sa panahon ngayon iyan ang kinakailangan ni Saddie para hindi na siya pilitan ng lola niya na magpakasal sa lalaking hindi niya kilala. Kaya kahit hindi magandang tingnan, nagpropose siya sa ubod ng sungit na anak ng bestfriend ng mama niya para maging fake husband niya. Pero ang masaklap isang tumataginting na "No way!" ang sinagot ng prospect groom niya. Ang magaling na lalaki, tinanggihan ba naman ang beauty niya! What she did? She made a contract that he'll never refuse. Kung hindi madaan sa masinsinang pakiusapan eh di daanin na lang sa paspasang pirmahan.