Bata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya magiging masaya kung hindi nya mapagaling ang isang tao na naging dahilan kung bakit sya nasa kanyang propesyon ngayon? Hindi pa ba sapat ang kaalaman nya? O, nasa kanyang ina ang problema kung bakit hindi nya ito mapagaling? Pero paano naman ang pag-ibig na kumakatok sa kanyang puso? Paano nya ito mapagbuksan kung nababalot ng takot ang kanyang puso dahil baka ito pa ang dahilan ng lalong paglala ng karamdaman ng kanyang ina? Kaya ba nyang isakripisyo ang sariling kaligayahan alang-alang sa sobrang pagmamahal nya sa sariling ina?