"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha mo ay halos hindi na maipinta. Palaging nariyan kapag kailan, pero para sa kanya, iba. Nakakatakot na karanasan ang magkaroon ng mga kaibigan. Magbago kaya ang pananaw niya, na hindi lahat ay pare-pareho sa pagbabalik nila sa kinalakihang lugar ng kanyang ina? Mas pipiliin niya ba ang nakasanayan simula ng maranasan ang pangyayaring iyon. Ang pagiging mag-isa o bigyan ng pagkakataon ang mga bagong kakilala?