My name is Annabelle. 17 years old. NBSB. Di ako naniniwala sa young love na yan. Malamang, kaya di ako naniniwala kasi di pa ko nagkaexperience, wala pa akong naging boyfriend. At ayoko pa. Tuwing nakakakita ako ng ibang ka edad ko o mas bata pa saken na mga babae na umiiyak o nageemote dahil sa mga lalake, naiinis ako at di ko maintindihan kung bakit sila ganon. "Ano ba yon? Para san pa? Hindi ko talaga magets kung bakit umiiyak sila para sa mga lalake. Pathetic."
Pero kinain ko lahat ng sinabe kong iyon, nung nakilala ko si Dylan. Pinaramdam niya saken ang mga bagay na hindi ko alam na pwede ko palang maramdaman. Hindi ko inasahan na mahuhulog ako sa kanya ng ganito. Hindi.